Yy - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.
Diksyunaryong Pilipino - Talaan ng mga salitang nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa alphabetong pilipino. Yy - Titik sa Alpabetong Pilipino na ang pagbasa ay "Ya". Yabag - Tunog ng paa na naglalakad. Halimbawa: Naririnig ko pa ang mga yabag sa kwarto sa taas palibhasa'y gawa sa kahoy ang bahay. Yabang - Masyadong mataas ang tingin sa sarili; kahambugan. Halimbawa: Ang yabang talaga ni Pedro akala mo mayaman. Yabong (Png)- Maganda ang tubo; lago. Halimbawa: Mayabong ngayong taon ang mga tanim na palay ni Mang Isko. Yagit (Png) - Batang palabuy-laboy. Halimbawa: Ang daming yagit ngayon na ngpapalimos dito sa Ermita. Yakag (Png) - kayag; yaya; anyaya. Halimbawa: Niyakag si Juan ng mga kaibigan na mali...