Yy - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Diksyunaryong Pilipino - Talaan ng mga salitang nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa alphabetong pilipino.

Yy- Titik sa Alpabetong Pilipino na ang pagbasa ay "Ya".

Yabag - Tunog ng paa na naglalakad.
       Halimbawa: Naririnig ko pa ang mga yabag sa kwarto sa taas palibhasa'y gawa sa 
                            kahoy ang bahay.

Yabang - Masyadong mataas ang tingin sa sarili; kahambugan.
         Halimbawa: Ang yabang talaga ni Pedro akala mo mayaman.

Yabong (Png)- Maganda ang tubo; lago.
         Halimbawa: Mayabong ngayong taon ang mga tanim na palay ni Mang Isko. 

Yagit (Png) - Batang palabuy-laboy.
        Halimbawa: Ang daming yagit ngayon na ngpapalimos dito sa Ermita.

Yakag (Png) - kayag; yaya; anyaya.
       Halimbawa: Niyakag si Juan ng mga kaibigan na maligo sa ilog.

Yakal (png) - Uri ng punongkahoy na matatagpuan sa pilipinas.
       Halimbawa: Ang yakal ay isa sa magandang klase ng kahoy.

Yakap (png) - png yapos; akap.
       Halimbawa: Ang yakap ng  isang ina ay nakakapagtanggal ng pangungulila.

Yaman (png) - Salapi; maykaya sa buhay.
       Halimbawa: Ang yaman pala ni clarrise malaki ang bahay at may kotse pa.

Yamot (png) - inip; inis; muhi; init ng ulo.
       Halimbawa: Nakakayamot na talaga ang paghihintay ko sa kaibigan ko.

Yamuam (png) - pinaglagarian, pinagkayasan; pinagkataman.
       Halimbawa: Ang daming yamuam sa loob ng bahay dahil dito gumagawa 
                           ang tatay ng mga furniture.

Yamungmong (png) - yabong; lago; maganda ang tubo.
       Halimbawa: Ang yamunmong nitong bagong tanim na mga halaman.

Yamutmot (png) - basura; yagit; sukal.
       Halimbawa: Ang yamutmot ng mga bata dyan sa may baranggat madumi.

Yangyang (png) - bilad; ihaw; tapa; darang.
       Halimbawa: Dapat naka yangyang na yang mga tuyo bago magtanghali.

Yanig (png) - uga; lindol; yugyog; yugyog.
       Halimbawa: Ang lupa ay yumayanig.

Yantok (png) - gawa sa rattan; ginagamit na tungkod; uway.
       Halimbawa: Ang yantok ay matibay pala.

Yapak (png) - apak; yurak.
        Halimbawa: (apak) Ang mga yapak sa taas ng bahay ay napakaingay kung gabi.
        Halimbawa: (yurak) Masama ang yurakan ang dangal ng ibang tao.

Yapos (png) - yakap; akap.
        Halimbawa: Niyapos ng kanyang ina si Andra.

Yari (png, pan) - gawa; produkto; tapos na.
       Halimbawa: (gawa) Yari sa magagandang materyales itong bag.
       Halimbawa: (tapos na) Bro, yari na ba yon'g pinagagawa kong relo?

Yasyas (png) - pinagkayasan; pinagkayudan.
       Halimbawa: Ang daming yasyas dito sa kusina ang dumi na dito.

Yata (pa) - animo; wari; tila.
       Halimbawa: Ang dami-daming tao yata d'yan sa kanilang kainan.

Yaya (png) - tagapag-alaga ng bata ng ibang tao.
      Halimbawa: Ang yaya mo andyan na, sinusundo ka na.

Yayat (png) - mapayat; pagkapayat.
      Halimbawa: Nakaka-kain ka ba ng maayos nanganga-yayat ka na ah.

Yelo (png) - tumigas na tubig dahil sa sobrang lamig.
      Halimbawa: Ang lamig ng pagkain ko parang yelo.

Yema (png) - kindi na gawa sa gatas at asukal.
      Halimbawa: Ang yema na'to ay gawa sa masarap na kondesada kaya masarap din s'ya.

Yero (png) - gawa sa manipis na metal na galbanisado ginagamit sa bubong ng bahay.
      Halimbawa: Mas matibay ang yero kaysa nipa.

Yeso (png) - tsok, panulat sa pisara or blakbord.
      Halimbawa:  Yeso ay napupudpod kung nababasa ng tubig.

Yodo (png) - klase ng gamot na nakalalason.
      Halimbawa:  Itago mo na yang yodo baka makuha pa ng mga bata.

Yugto (png) - parte; bahagi; serye; tsapter.
      Halimbawa: Ang ganda ng huling yugto sa libro na nabili ko kahapon.

Yugyog (png) - alog; liglig; paraan ng pagsasayaw.
      Halimbawa: Ang galing ni Annie sa pagyugyog doon sa sasayawan.

Yukayok (pu) - subsob.
      Halimbawa: Yukayok talaga si Marie sa trabaho para makaipon.

Yuko (png) - (1.) pagbaluktok ng ulo papaba.
                      (2.) ayaw.
      Halimbawa: (1.) Nahihiya s'ya kasi laging nakayuko pagkinakausap.
      Halimbawa: (2.) Yuko sa'yo masama ka kasi eh.

Yukod (png) - ngbibigay galang sa papamagitan ng pagyuko, yumuyuko.   
      Halimbawa: Nagyukod muna sila sa isa't-isa bago magsimula sa boksing.

Yumi (png) - mahinhin, maingat, bini, pino.
      Halimbawa: Ang yumi ng dalagang kumakain sa kabilang mesa.

Yungib (png) - kweba, lungib, malaking butas sa lupa, uhang sa lupa.
      Halimbawa: Ang yumi ng dalagang kumakain sa kabilang mesa.

Yungyung - Nakababang sanga ng kahoy, lilim.
      Halimbawa: Maki-silong muna tayo d'yan sa ilalim ng yungyung ng puno.

Yupi (pu) - pag-iba ng porma ng isang bagay tulad ng lata or manipis na metal, tiklop, tupi, lupi. 
      Halimbawa: Ang daming yupi ng kotse ni Aron.

Yurak (pd.) - paninirang puri, panira sa iba.
      Halimbawa: Niyurakan nya ang pagkatao ng isang magaling na doktor. 

Yuta (png) - sandaang libo.     
      Halimbawa: Ang isang yuta ay malaking halaga.

Yutyot (png) - langit-ngit ng isang bahay na umuuga.
      Halimbawa: Makakarinig ka ng yutyot sa bahaykubo nila Oscar.


Huling pinalitan o dinagdagan: Septyembre 4, 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Ww - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Ww" o "Wa" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

180+ Na Pinaghalu-halong Mga Kasabihan, Salawikain o Proverb, Tulong Sa Pamumuhay.