180+ Na Pinaghalu-halong Mga Kasabihan, Salawikain o Proverb, Tulong Sa Pamumuhay.
Magandang Umaga! Naisip ko na mag kolekta nang mga salawikain baka sakaling kailangan sa eskwelahan. Ito ang aking nakolekta na mga salawikain. Ang iba pala dito ay inglis na ginawa kong Tagalog para madaling maintindihan. Ang iba naman e nabasa ko lng. Kung mayroon akong maling nailista paki comment na lang sa baba. Salamat! Anu ba ang Salawikain? Ang salawikain ay kasabihan patungkol sa kaugalian, sa diyos, aral, magandang asal at gabay sa pamumuhay. Ito ay naglalaman ng parirala na mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap. Ang salawikain o proverb ay hindi lamang sa pilipinas kundi mayroon din sa ibang panig ng mundo nagmula. Ang iba sa ating mga salawikain ay maihahalintulad sa salawikain ng ibang bansa. Marami ang uri ng salawikain kadalasan ay patungkol sa pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, paglilingkod sa diyos at kadalasan ay sa pag-ibig. Ang mga ito ay ginagamit ng ating mga ninuno noo...