180+ Na Pinaghalu-halong Mga Kasabihan, Salawikain o Proverb, Tulong Sa Pamumuhay.

Magandang Umaga! Naisip ko na mag kolekta nang mga salawikain baka sakaling kailangan sa eskwelahan. Ito ang aking nakolekta na mga salawikain. Ang iba pala dito ay inglis na ginawa kong Tagalog para madaling maintindihan. Ang iba naman e nabasa ko lng. Kung mayroon akong maling nailista paki comment na lang sa baba. Salamat!


Anu ba ang Salawikain?

Ang salawikain ay kasabihan patungkol sa kaugalian, sa diyos, aral, magandang asal at gabay sa pamumuhay. Ito ay naglalaman ng parirala na mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap. Ang salawikain o proverb ay hindi lamang sa pilipinas kundi mayroon din sa ibang panig ng mundo nagmula. Ang iba sa ating mga salawikain ay maihahalintulad sa salawikain ng ibang bansa. 

Marami ang uri ng salawikain kadalasan ay patungkol sa pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, paglilingkod sa diyos at kadalasan ay sa pag-ibig. Ang mga ito ay ginagamit ng ating mga ninuno noon pa para sa pagsaway sa mga kabataan o di kaya mabigay ng lakas ng loob sa panahon ng kagipitan para matagumpayan ang hamon ng buhay.



I. Patungkol sa Pamilya at Kaibigan. (8 lines)

1. Kaibigan na may malasakit
    Daig ang walang turing na kapatid.

2. Ang taong mayaman ay mayaman din sa kaibigan
    Ngunit pag ang tao ay naghirap, hirap din sa kaibigan.

3. Walang paku-pakundangan sa tunay na kaibigan.

4. Ang totoong kaibigan
    Ay magiging karamay kailan man.

5. Pag matapat ang 'yung kaibigan
    Ay tunay na maaasahan.

6. Ang dugo ay mas matimbang, 
    Kaysa sa tubig.

7. Kahit anung bigat ng ating binubuhat,
    Pagtulung-tulong ang mag-anak
    Gagaan ang pagbuhat.

8. Kaibigang 'di mautangan
    Tulad ng pangal na sundang
    Aanhin ko, mawala man.

----------------------------------------------------------------------------

II. Patungkol sa Bayan. (2 lines)

1. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
    Ay daig pa ang mabaho't malansang isda.

2. Ang bayaning nasusugatan 
    Ay ng-iibayo ang tapang.

----------------------------------------------------------------------------

III. Patungkol sa Tagumpay sa buhay. (7 lines)

1. Daig ng maagap
      Ang masipag.

2. Sa bawat pagsikat ng araw
    May pag-asa kang matatanaw.

3. Kapag may tiyaga
    May nilaga.

4. Ang isang paglalakbay ng libong milya ay,
    Nagsisimula sa unang hakbang.

5. Ang tagumpay ay maraming ama,
    Habang ang kabiguan ay isang ulila

6. Pag gusto maraming paraan,
    Pag ayaw maraming dahilan.

7. Ang kariharapan,
    Ay hindi hadlang sa tagumpay.


----------------------------------------------------------------------------


IV. Patungkol sa Pag-aaral o Edukasyon. (2 lines)

1. Ang Kaalaman ay lakas.

2. Iba ang may natutuhan
    Kaysa may pinag-aralan.


----------------------------------------------------------------------------


V. Patungkol sa Buhay. (32 lines)

1. Ang sa iba'y ginawa mo
    Siya ring gagawin sa iyo.

2. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti
    Kailangan mo munang maghanda sa sarili.

3. Kapag ang nauna'y tamis
    Ang nahuhuli'y pait.

4. Kung ano ang tass ng paglipad
    Ay siyang lagapak kung bumagsak.

5. Hindi man magsalita at magbadya
    Sa kilos nakikilala.

6. Huli man at magaling hahabol pa rin.


7. Aanhin pa ang damo
    Kung patay na ang kabayo.

8. Aanhin mo ang palasyo kung nakatira ay kwago,
    Mabuti na ang bahay kubo kung nakatira ay tao.

9. Isang araw na milyunaryo buong taon hirap sa pera.

10. Ang kagandahan ay,
      Nasa mata ng nakakakita.

11. Ang kagandahan ay,
      Malalim lamang sa balat.

12. Ang mga pulubi ay,
      Hindi maaaring mamili.

13. Mata sa mata,
      Pangil sa pangil.

14. Abo sa abo, 
      Alikabok sa alikabok.

15. Ang maagap na paghahanda,
      Nalalayo sa sakuna.

16. Ang patay ay patay na,
      Ang buhay ang ipag-adya.

17. Ang mga maliliit bata,
      Ay di nasisinungaling.

18. Ang mga bata at tanga,
     Ay nagsasabi ng totoo.

19. Ang mga paghahambing,
      Ay nakakainis.

20. Apoy sa apoy.

21. Bigyan mo ng isda ang isang tao at kakain siya ng isang araw,
      Turuan mo siyang mangisda at kakain siya ng habang buhay.

22. Ang magandang simula, 
     Ay may magandang pagtatapos.

23. Ang taong may alinlangan,
      Ay s'yang laging nawawalan.

24. Ang taong nabubuhay sa patalim, 
     Sa patalim din ang kamatayan.

25. Ang tao kapag mayaman,
      Marami ang kaibigan,
      Kung ubos na ang yaman,
      Kahit matagpuan sa daan,
      Di man batii't ngitian.

26. Ang panulat ay mas malakas, 
      Kaysa sa tabak.

27. Ang daan patungo sa puso ng isang lalaki,
      Ay sa pamamagitan ng kanyang tiyan.

28. Walang nauuto, kung walang nagpapauto.

29. Ang sobrang pagkabahala,
      Ay walang kabutihang magagawa.

30. Ang matandang aso mahirap na turuan, 
      Nang makabagong paraan.

31. Kaya mainam ang balak,
      Kung makitang natutupad.

32. Kapag may inipok,\
      May madudukot.


----------------------------------------------------------------------------

VI. Patungkol sa Kaugalian o Magandang Asal. (28 lines)

1. Lumilipas ang kagandahan
    Ngunit hindi ang kabaitan.

2. Huwag mong hatulan ang isang aklat
    Sa pamamagitan ng kanyang pabalat.

3. Kung anu ang di mo gusto
    Huwag gawin sa iba.

4. Kung anu ang iyong inutang
    Ay s'ya ring kabayaran.

5. Kung ang kaibigan mo ay uliran
    Huwag pagsamantalahan.

6. Kung anu ang itinanim
    Ay siyang aanihin.

7. Ang batang matigas ang ulo
    Ay mahirap mapanuto.

8. Mayaman ka ma't marikit
    Mabuti sa pananamit,
    Kung walang sariling bait,
    Walang halagang gahanip.

9. Ang magalang na pagsagot
    Ngpapawi ng poot.

10. Ipunin ang mabuti
      Ang masama ay iwaksi.

11. Mabuti na ang mahuli
      Kaysa hindi.

12. Huwag kang magbuhat,
      Ng sarili mong bangko.

13. Huwag ka magbilang ng manok
      Kung di pa napipisa ang itlog.

14. Ang manok ay hindi puputak,
      Kung hindi nangingitlog.

15. Gagaan ang trabaho kung nagtutulungan.

16. Katapatan ay ang pinakamahusay na patakaran.

17. Ang taong mbait walang nagagalit,
      Ang taong masama walang natutuwa.

18. Magingat ka sa mga hinihiling mo.

19. Mas mainam ang magbigay,
      Kaysa sa tumanggap.

20. Itinatanong ay kamote 
      Isinasagot ay gabi.

21. Ang pagbibigay,
      Nagsisimula sa bahay.

22. Ang mga mandaraya ay hindi kailanman nanalo, 
      At ang mga nanalo ay hindi kailanman nandadaya.

23. Ang mga mandaraya
      Ay hindi kailaman man magtatagal.

24. Ang pagmamadali,
      Sa mali nauuwi.

25. Ang nanghihingi, di dapat mamili,
      Ang nagpapalimos lamang, di dapat pihikan.

26. Pag pinukol ka nang bato,
      Pukulin mo nang tinapay.

27. Ang anumang iyong gawin
      Makapito mong iisipin,
      Naisip mo ang magaling
      Kung minsan nga'y mali pa rin.

28. Ang taong sinungaling
      Dapat maging matandain,
      Sa nilubid niyang daing,
      Siya'y mahahalata rin.


----------------------------------------------------------------------------


VII. Patungkol sa Health o Kalusugan. (6 lines)

1.   Kalabaw lang ang tumatanda.

2. Gaano ka man ka kunat,
    Madadaig ka pa rin ng isang lagnat.

3. Ang sakit ng kalingkingan,
    Dama pa rin ng buong katawan.

4. Ang pag-iwas ay,
    Mas mahusay kaysa lunas.

5. Mas mabuti na ang maging mahirap na malusog,
    Kaysa sa mayaman na may sakit.

6. Maagang matulog at maagang bumangon. 
   Nagagawang malusog, mayaman at matalino ang isang tao.


----------------------------------------------------------------------------


VIII. Patungkol sa Kapaligiran. (1 line)

1. Pag ang ilog ay maingay ang Tubig ay mababaw,
    Pag ang ilog ay mahinahon ang Tubig ay malalim.


----------------------------------------------------------------------------


IX. Patungkol sa Pag-ibig at Pagmamahalan. (7 lines)

1. Ang pag-ibig ay bulag.

2. Mas mabuti na ang magmahal at mabigo,

    Kaysa sa hindi maranasan ang nagmahal magpakailanman.

 3.Pag kahaba-haba man ng prusisyon,
    Sa simbahan din ang tuloy.

4. Pag-ibig man ay iyong pagtaguan,
    Hahanap at hahanap pa rin 'yan ng paraan.

5. Pag-ibig ang hanapin,
    At hindi gyera ang piliin.

6. Walang matiyagang lalaki,
    Sa pihikang babae.

7. Ang pagtatapos ay nagbibigay-katwiran sa mga paraan.


----------------------------------------------------------------------------


X. Patungkol sa Diyos. (8 lines)


1. Ang batang mabait,
    May nakahandang lugar sa langit.

2. Ang diyos ay pag-ibig.

3. Ang kalinisan ay
    Kasunod sa Pagkamakadiyos.

4. Tinutulungan ng Diyos,
    Ang mga taong tinutulungan ang sarili
.

5. Bilangin ang iyong mga pagpapala.

6. Maghanap at makakakita.

7. Nasa diyos ang awa,
    Nasa tao ang gawa.

8. Ang kabayaran sa mga kasalanan ay kamatayan.


----------------------------------------------------------------------------


XI. Patungkol sa Lipunan. (10 lines)

1. Ang taong di marunong lumingon sa pinangalingan
    Ay hindi makararating sa paruruonan.

2  Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit.

3. Kung ano ang puno siya rin ang bunga.

4. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

5. Ang mga damit ay,
    Hindi salamin ng pagkatao.

6. Tumawid nang sapa kung saan ang tubig ay mababaw.

7. Ang paghati ng kalungkutan
    Ay mas nakagagaan.

8. Ang isang tao ay makikilala 
    Sa kanyang laging nakakasama.

9. Sa likod ng bawat dakilang lalaki,
    Mayroong isang mahusay na babae.

10. Ang lalake ay lalake.


----------------------------------------------------------------------------


XII. Patungkol sa Ekonomiya at Pera. (10 lines)

1. Ang Oras ay Ginto.

2. Ang Trabaho ay nagbibigay ng pera
    Ang Negosyo ay nagibibigay ng malaking pera.

3. Hindi pinupulot ang pera.

4. May pera sa basura.

5. Huwag ilagay ang lahat ng iyong mga itlog,
   Sa iisang basket lang.

6. Negosyo muna,
    Bago ang saya.

7. Kasiyahan at negosyo,
    Huwag i-halo.

8. Ang ugat ng lahat ng kasamaan 
    Ay ang pag-ibig sa pera ang sinimulan.

9. Pera ang nagpapaikot sa mundo.

10. Hindi na bubuo ang isang daang libong piso,
      Kung hindi nagsisimula sa isang piso.


----------------------------------------------------------------------------


XIII. Patungkol sa Katatagan. (10 lines)

1. Walang matigas na tinapay,
    Sa mainit na kape.

2. Sa pagpawi ng dilim ay may liwanag.

3. Ang kahirapan at kawalan,
    Ay nagtuturo sa isang tao na maging matalino.

4. Matumba ka man ng pito,
    Bumangon ka ng walo.

5. Pinapaboran ng kayamanan ang matatapang.

6. Ang magagandang bagay ay dumarating,
    Sa mga taong marunong naghintay.

7. Ang mga patpat at bato ay maaaring masira ang akingmga buto,
    Ngunit ang mga salita'y hindi kailanman masasaktan ako.

8. Ang hindi kayang pumatay sa atin, 
    Ay magpapalakas sa atin.

9. Ang pinakamadilim na oras,
    Bago ang bukang-liwayway

10. Habang may buhay,
      May pag-asa.


----------------------------------------------------------------------------


XIV. Patungkol sa Tamang Landas. (3 lines)

1. Mabuti pa ang nag-iisa
    Kaysa may masamang kasama.

2. Ang tumatakbo nang matulin
      Kung matinik ay malalim.

3. Nasa huli ang pagsisi.


----------------------------------------------------------------------------


XV. Patungkol sa Pagkakaisa. (2 lines)

1. Gaano man ang tibay ng piling abaka
    Ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

2. Hindi titibay ang walis
    Kung 'di nakabigkis.


----------------------------------------------------------------------------


XVI. Patungkol sa Kasipagan. (8 lines)

1. Kung may hirap,
    May ginhawan.

2. Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan,
    Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.

3. Ang taong matiyaga,\
    Nakakamit ang biyaya.

4 . Ang nagtitiis ng hirap,
      May ginhawang pinapangarap.

5. Kung may itinanim may aanihin.

6. Kung sino ang matiyaga,
    Siyang nagtatamong pala.

7. Walang umaani ng tuwa
    Na di sa hirap nagmula.

8. Ang mga kilos ay,
    Mas malakas pa kaysa sa mga salita.


----------------------------------------------------------------------------


XVII. Patungkol sa Ibang Tao. (11 lines)

1. Biru-biro man kung sanlan,
    Totoo kung tamaan.

2. Mabuti paang munting akin
    Kaysa malaki nga ay habilin.

3. Mapipilit ang maramot
    Ang hindi'y walang sinop.

4. Matitiis ang hapdi
    Ang kati ay hindi.

5. Taong masalita
    Kulang sa gawa.

6. Di baleng tawaging Tamad
    Huwag lang pagod.

7. Mgbiro ka lang sa lasing,
    Huwag lang sa bagong gising.

8. Ang taong malungkot,
    Laging nakasimangot.

9. Ang isang masamang manggagawa,
    Ay palaging sisihin ang kanyang mga kagamitan.

10. Ang sinungaling ay,
      Kapatid ng magnanakaw.

11. Ang isang tanga at ang kanyang pera,
      Ay hindi nagtatagal na magkasama.


----------------------------------------------------------------------------


XVIII. Patungkol sa Ibang Bagay. (27 lines)

1. Ang isang larawan ay nagkakahalaga ng isang libong mga salita.

2. Ang tumatahol na aso,
    Ay malimit kumagat.

3. Ang masyadong matanong ay,
    Nakakamatay sa pusa.

4. Huwag kumagat ng higit,
    Sa maaari mong mangunguya.

5. Madaling makuha,
    Madaling mawala.

6. Buntot mo, hilahin mo.

7. Walang usok,
    Ang hindi sisingaw.

8. Ang laging magkasama,
    Ang magkaparehas ng ginagawa.

9. Pag wala ang pusa,
    naglalaro ang daga.

10. Kung anong bukang-bibig,
      Ay siyang nilalaman ng dibdib.

11. Matalino man ang matsing,
      Napaglalalangan din.

12. Kung saan may usok,
      May nasusunog.

13. Kung takot sa ahas,
      Huwag ka sa gubat.

14. Ang taong walang kibo,
      Nasa loob ang kulo.

15. Ang kaunting kaalaman,
      Ay isang mapanganib na bagay.

16. Ang isang bagay ng kagandahan,
      Ay isang kagalakan magpakailanman.

17. May pakpak ang balita.


18. Ang magagandang mga bagay, 
      sa buhay ay libre.

19. Mas mabuting magingat kaysa magsisi.

20. Mas mabuti na ang gamit ay isang kandila,
      Kaysa tiisin ang kadiliman.

21. Ang mas malaki,
      Ay mas mabuti.

22. Bago ka magluto ay iyong alamin,
      Kung may nakahandang panahog at asin.

23. Bahaw man daw at magaling,
      Daig ang bagong sinaing.

24. Ang tao ay hindi nabubuhay,
     Sa tinapay lamang.

25. Marami ang tinawag,
      Ngunit kakaunti lang ang mapipili.

26. Walang silbi ang pag-iyak 
      Sa natapon na gatas.

27. Baboy na pagala-gala,
      Lama't taba'y masama.

----------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking blog!

Para hindi mahuli sa mga bagong informasyon mabisita lng dito palagi.


Huling Dinagdagan o Pinalitan: Agosto 9, 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Yy - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Ww - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Ww" o "Wa" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.