100+ Tagalog Na Mga Luma, Bago at Karaniwang Hugot, Banat, Pick-up lines at Love Quotes Para Sayo.

Hello po! Eto ang listahan ng mga hugot na karaniwang mong mababasa. Wala bang kayong mga kamay kaway-kaway naman dyan. Ang iba po dito nabasa ko lang, ang iba naman ginawa ko lng. Credit po sa gumawa nang ibang hugot at pick-up lines. Di ko mapasalamatan ang ibang gumawa kasi walang nakalagay na pangalan kung sino ang gumawa. Kung may gusto kayong sabihin paki comment na lang po sa baba.


Sa Mga Taong Nagmamahal. (7 lines)

"Yung feeling" na may naalala kang nakakakilig na pangyayari at bigla ka na lang napangiti.

Ang hirap mgselos pag alam mong 'di naman kayo. 

Sa hinaba-haba man ng tulog ko ikaw pa rin an dahilan ng paggising ko.

Sa bawat oras naiisip ka, sa bawat araw nais ka makita at sa tuwing nakikita ka, puso ko ay sumasaya na para bang ako'y nasa langit na.

Di ko naman sinasadya na mahalin ka ng sobra. Nagkataon lang talaga sa'yo ako naging masaya.

Matatag ako dahil sa'yo, pero isang bagay lang namn ang kinatatakutan ko. Ang mawala ka sa piling ko.

Wag kang magmahal ng iba, kung alam mo sa sarali mong mahal mo pa rin s'ya.




Sa Mga Totoong Umiibig at Umaasa pa. (15 lines)

Alam mo? Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kong masaktan mo ako.

Hindi ka naman tanga, nagmahal ka lng. Hindi ka naman takot magmahal, takot ka lang masaktan.

Bakit ang bilis lang para sa'yo ang bumitaw?

Wag kang magselos, hindi Tayo. Walang Tayo, At hindi magiging Tayo!

"Gusto mo laging kang umaasa sa Forever nang iba, pero sa akin wala kang Tiwala!"

"Lagi silang na fre-friendzone sa'yo, Sana 'wag na ako!"

"Mahirap magmove on kung nakapako ang puso mo!"

Kung mahal ka niya 'di sya aalis at iiwan ka!

Waiting shed kaba? Kasi handa akong maghitay, para lang sa'yo!

Please lang 'wag mo namang gawing Hobby ang pagiging Tanga!

"Hoy! Gumising ka nga walang forever!"

Si Forever, nanga-ngain ng umaasa yan!

"Huwag kang umasa, 'wag assuming para di masaktan!"

"Minsan nakakatakot na kasama ka dahil sobrang saya! Baka bukas lungkot na dahil umalis ka na!"

Ay! May tanong ako? pag pinag sama ba ang Ikaw at Ako ay magiging Tayo?




Sa Mga Nabigo sa Pag-ibig. (5 lines)

Ang relasyon parang ngipin yan, hindi nasisira kung walang kabit-ies!

Sinaksak mo na ang puso ko, tinapakan mo pa ang pagkatao ko.

Hindi lahat ng gwapo at maganda may love life, ang iba iniwan pa.

"Masakit baliwalain ng Minamahal mo!"

Mahirap pala hanapin ang taong ngtatago sa'yo, ako pag nagtago hahanapin mo rin?




Sa Mga Nakamove-on Na Sa Pag-ibig. (9 lines)

Hindi lahat ng blooming in-love. Yung iba sa wakas naka Move-On na.

"Wag, ka nang maparamdam ok na ako."

Alam mo lahat napapagod at nahihirapan, pero hindi lahat kayang magtiis at manatili sa'yong piling.

"Maganda pala ang pakiramdam nang walang inaalala."

"Akala ko 'di masaya ang ng-iisa, ok din pala!"

"Marami pala akong namiss sa buhay ko!"

"Mas naappreciate ko ang nanay ko at tatay ko. Di ko 'to naramdaman noong magkasama pa tayo!"

"Mas masaya pala kasama si Puti at Meow kaysa sa'yo!"

"Ang tanga ko! nabulag ako! Thank you! Alam ko na ang totoo!"




Sa Mga Walang Love life. (13 lines)

"Puro na lng hugot sa pag-ibig, Wala man."

"Mabuti pa ang baso punong-puno, ako walang ngmamahal."

"Tulong po, ako'y nahuhulog sa kawalan."

"God bless na lang po sa atin."

"Tanong ko lang, bakit kasi ang daming chosy sa mundo."

"Sana ngayon tag-ulan dumating kana, kasi sabi nila ang pag-ibig parang ulan di yan napipigilan."

"Di namin kailangan ng Love Life meron naman kaming Good Life!"

"Kahit sino mabubuhay kahit walang love life!"

"Pagkain o Pag-ibig? Pagkain na ako masarap eh!"

"Mas masaya ang walang inaalala!"

"Meron na akong Forever si Jesus!"

"Kung mahihirap lang kayong mag-asawa sa buhay, eh 'wag na lang! Mag-iisa na lang ako, Thank you!"

"Mas maganda magparami muna ng pera kaysa mag-aasawa!"




Sa Mga Paasa sa Pag-ibig. (5 lines)

Dear Lalake, Manligaw ka ng babae dahil mahal mo siya, 'di dahill alam mong sasagutin ka nya.

"Hoy, kung wala ng pagmamahal bitawan mo na."

Ang tiwala parang bula mahirap na ngang makuha, madali pang mawala!

"Puro ka lang 'storya, ang love mo pala'y walang kwenta!"

Mas maganda kung love mo'y may aksyon 'di puro imbensyon.




Sa Mga Galit sa EX at Partner. (5 lines)

Di ako bitter. Galit lang talaga ako sa'yo kasi sinaktan mo ako.

"Sana makatulog ka sa gabi, sa ginawa mo. Bakulaw!"

"Mahihiwalay din kayo niyan sa huli!"

"Kung gusto mo pala ng maganda, sana sinabi mo noon pa, 'di sana maaga kang naging masaya!"

"Wag kang magpakasaya dahil bukas ako naman ang tatawa!"




Sa Mga Taong Masaya sa Pag-ibig. (4 lines)

"Kala ko walang kwenta, pero subrang saya pala pag totoong ngmamahal ka."

Dahil dumating ka sa buhay ko, naging masaya na ang kwento ng buhay ko.

Yung taong araw-araw mong nakikita at nakakasama, nakakamiss pa din!

"Sobra akong saya, kasi sobra mong saya nang ako ang lagi mong kasama! Sana forever na!"




Panunuyo sa Minamahal. (59 lines)

"Pangit man ako sa iyong paningin kaya naman kitang pag-aralin."

"Sabi mo makapal ang mukha ko pero isa lng ang masasabi ko, makapal din ang wallet ko."

Kaya ko naman talagang mabuhay ng mag-isa ang problema nakilala kita.

Nami-miss ko yung ngiti mo, pero mas nami-miss ko yung ngiti ko, na lumalabas lang kapag ikaw ang ka-text ko. 

Di ko naman pinilit na maging akin ka. Ang sa'kin lng gusto ko malaman mong mahal kita sobra.

Need pa ba ang notification? Para ma-gets mo na like kita?

"Pumutok man ang pinatubo, magkagyera man sa middle east. Pagalitan man ako ng nanay ko, pagalitan ka man ng nanay mo. Walang makakapigil sa pusong kong nagmamahal sa'yo."

"Stalker daw ako, pero ang alam ko masaya ako."

Kapag kasama kita mayaman ako, kasi mahirap pagwala ka.

Paki-check nga 'yung relo mo. Baka ORAS ng naging TAYO.

May calculator kaba? ADD mo naman ako sa mga Minamahal mo!

Masasabi mo bang ambisyoso ako? Kung gusto kong maging magka-Apelyedo tayo?

Masarap maging Tao at Mabuhay. Pero mas masarap maging Tayo, Habambuhay!

Excuse me, tatanong ko lang didiretsuhin ko bang daan na 'to, O may ibang shortcut sa puso mo?

Boy: Asan ka kagabi?, Girl: Nasa bahay lang namin, bakit?, Boy: Weh di nga? Girl: OO nga, bakit naman? Boy: kasi hindi kita makita sa panaginip ko!

Kape ka ba? kasi ginigising mo ang natutulog kong puso!

"Kanin ka ba? kasi 'di ako kontento kung wala ka sa araw-araw ko."

"Ulam kaba? kasi ikaw ang nagpapasarap sa buhay ko!"

Handa akong takbuhin ang mundo. Basta ang finish line ay sa puso mo!

Sana Bayabas ka na lang at ako si Juan Tamad, Ok lang na wala akong ibang gagawin, hihintayin na lang kitang Mahulog sa akin!

Hindi naman kita kapangalan. Pero pag naririnig ko pangalan mo, napapalingon ako!

"Miss lucky number kaba? Kasi pag nakikita kita parang panalo na ako sa lotto!"

Ang galing mo naman. Hindo mo pa ako binabato. Tinamaan na ako sa'yo!

Alam mo para kang Star! Ang dali mong mahalin pero ang hirap mo abutin!

Hindi ka ba naiingayan? Bakit kasi maghapon kang isinisigaw nang puso ko!

Bakit kita babalikan? Kasi di naman kita iiwanan!

Tatawagan kita mamaya para sagutin mo na ako!

"Hindi kita tinatawagan kasi gusto kitang makasama!"

Super hero na sana ako! kaso nalaman nilang ikaw ang weakness ko!

Sana baso ka na lang para 8 times a day kitang nahahalikan.

Boy: Sana apelyido ko na lang I love you. Girl: Ha, bakit? Boy: Para pag tinawag mo ako, "Piolo I love you!"

Ayaw kitang maging Classmate. Baka pwedeng Soulmate na lang!

Naiinis ako. Kasi akin nga 'tong puso ko, pero timitibok naman para sa'yo.

Alam mo parang kang Ampalaya. Bakit? Kasi kahit anong pait ang naramdaman  ko, ikaw pa rin ang sustansya ko. 

"Alam mo para kang Mangang hilaw. At bakit? kasi kahit anung asim ng mukha mo palagi sa akin love pa rin kita!"

Aanhin pa ang mata mo kung di ka lalakad sa altar kasama ko!

"Maganda at siguro malinaw naman ang mata mo. Pero nagtataka ako di mo makita ang ang mabait at poging tulad ko!"

Alcohol ka ba? Bakit? Germs kasi ako at 99.9 percent patay na patay sa'yo!

"Hindi lahat nadadaan sa Sorry!, Minsan e-kiss mo din! Di lang puro sorry!"

Lakwatsera ka ba? Kasi hanggang panagip ko nakararating ka!

"Titser kaba? Bakit? Kasi tinuruan mo ang puso na mahalin ka!"

Aanhin pa ang bahay na bato, kung nakatira ka sa puso ko!

"Tatawagin mo ba akong bobo kung ikaw lng ang laman ng isip ko!"

Balon kaba? Bakit Di na kasi akomakaahon, Magmula nung nahulog ako sa'yo!

Sekrito ka ba? Kasi 'di kita kayan ipagkatiwal sa iban!

Kupido maresign ka na kasi sublay kang pumana!

Magkaiba talaga kayo ni Rizal, Bakit? kasi si Rizal nasa Piso ikaw ay nasa Puso ko!

Hindi mo na kailangan ng Relo, kasi handa kong ibigay ang Oras ko sa'yo!

Porke ba nerbyos ako, adik na sa kape? Hindi ba pwedeng, nand'yan ka kasi?

Rainbow ka ba? Kase You make my world colorful after the rain, eh!

Makukulong kaya ako kapag nahuli akong nagnanakaw ng tingin sa'yo!

"May hinahanap ka ba? Kasi 'wag ka nang maghanap, 'andito lng ako para mahalin ka nang todo!"

Alam mo ba para kang Solar System! Bakit? Kasi ikaw ang nagpapaikot sa mundo ko.

Sana ako na lang ang right hand mo, para tuwing national anthem ako ang nasa puso mo!

Hindi ko alam ang mahal na araw, Kasi ang alam ko lang, Mahal kita araw-araw!

Di ko man maisigaw sa buong mundo kung sino ang mahal ko, sapat ng alam natin pareho na ikaw ang tinutukoy ko!

YM kaba? Kasi pag nakikita kita napapasigaw ako ng Yahoo!

"Airplane ka ba? Bakit? Kasi ang taas nglipad mo! Sana 'wag kang magkacrush sa akin!"

"Police ka ka? Bakit? Kasi nahuli mo ang Puso ko!"




Patama (5 lines)

Ang hirap makisama sa taong kahit pakitaan mo ng kabaitan ikaw pa rin ang pinag-uusapan.

Lately, Narealize ko na wala akong pake sa mga taong walang pake sa'kin.

Sarap magwala sa sobrang sakit!

"Wait lang, antay lang sandali. Tulog nga ang hirap gawin kapag galit, magpatawad pa kaya sa taong may sala."




Nakakaasar na Pick-up lines (16 lines)

Shades ka ba? Bakit? Kasi tuwing nakikita kita nagdidilim paningin ko, eh!

"Komedyante ka ba? Kasi malayo ka pa lang nakakatawa ka na?"

Martilyo ka ba? Lakas mo kasing mambasag nang trip!

"Tsinilas ka ba? Kasi di ka makakilos kung wala kang kasama!"

"Karayom ka ba? Pag nangugutang ka kasi ang hirap mo hanapin!"

"Para tayong Langit at Lupa. Kasi pagnakatingin ka sa'kin nakatingin ka sa langit, ako pagnakatingin sa'yo parang nakatingin sa lupa!"

Bag ka ba galing Tsina? Fake ka kasi!

Pinaglihi ka ba sa mangga? ang tulis kasi ang baba mo, eh!

Roses are red, violets are blue. When I flush the toilet I remember you!

"Bagyo ka ba? Mahangin ka kasi!"

Dragon ka ba? Lakas nang amoy nang hininga mo, eh!

"Hero ka ba sa ML? Bakit? Kasi kahit pinagsabihan na kita Unstoppable ka pa rin!"

Energy drink kaba? Kasi mukha ka natuklaw ng cobra eh!

"Trompo ka ba? Kasi ang bilis mo paikutin, eh!"

"Hilo ka ba? kasi binilang mo nga, mali naman!"

"Sampalok ka ba? Asim mo kasi eh!"




At iba pa. (7 lines)

"Kahit di na tayo sana kaibigan mo pa rin ako."

"Cold ka, ako lng ba ang masaya dito."

"Besh' move-on na, marami pang iba."

Nakakainip ang maghintay pero masakit ang magsisi. Kaya bakit ako sususko kung ang nag-iisang laman ng puso ko ay kaya ko naman ipaglaban. 

Sana mapansin mo rin  ang sarili mo aat hindi yung pagkakamali nang ibang tao!

"Hindi lahat ng palaging nabubugbog ang puso ay hindi napapagod."

Walang permanenteng bagay sa mundo, Kaya asahan mo, pagdating ng panahon apelyido mo na ang gamit ko!

Insomia kaba? Kasi di ako makatulog kung 'andyan ka!


=========================


Para huwag mahuli sa bagong kaalaman laging bisitahin ang blog na ito. Salamat!

Maraming salamat sa pagbasa ng aking blog post.


Huling Dinagdagan o Pinalitan: Agosto 7, 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Yy - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Ww - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Ww" o "Wa" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Uu - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Uu" o "u" sa Alphabetong Filipino - Patok Sa Bayan