Uu - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Uu" o "u" sa Alphabetong Filipino - Patok Sa Bayan

Diksyunaryong Pilipino - Talaan ng mga salitang ng sisimula sa "Uu" o "u" sa alphabetong pilipino.

Uu- Titik sa Alpabetong Pilipino na ang pagbasa ay "u".

Uban (png.) - puting buhok.
       Halimbawa: Ang iyong mga uban ay marami na.


Ubas (png.) - uri ng prutas.
       Halimbawa: Ang ubas ay masarap.

Ubaya (png.) - pahintulutan, payagan.
       Halimbawa: Ipauubaya ko na sa'yo ang pangangasiwa sa ating taniman.

Ubod (pu.) - sentro, gitna, kalagitnaan.
       Halimbawa: Ang ubod ng saging ay ginagawang panahog sa nilulutong pagkain.

Ubos (pu.) - walang natira, simot, lipol.
       Halimbawa: Ubos ang letson pagkatapos ng kainan.

Ubra (pu.) - (1.) maari, puwede; (2.) gawa.
      Halimbawa: (1.) Hindi umubra yata ang plano natin. 
                           (2.) Magaganda ang ubra maestra ng isang pintor sa isang esibisyon.

Udlot (png.) - antala, nahinto.
      Halimbawa: Naudlot ang bagong proyekto sa ating baranggay.

Udyok (png.) - sulsol, buyo.
      Halimbawa: Nudyukan yata si Lisa ng mga kapatid kaya naghiwalay silang mag-asawa.

Uga (png.) - Yugyog, gumagalaw.
      Halimbawa: Umuuga ang lupa dahil sa lindol.

Ugaga (pu.) - di makakilos, di makaya ang gawain.
      Halimbawa: Hindi siya magkanda-ugaga sa gawaing bahay.

Ugali (png.) - asal, kinagawian, karacter, tradisyon.
       Halimbawa: Ang magagandang pag-uugali ay sa bahay nagsisimula.

Ugat (png.) - (1.) simula, (2.) daluyan ng dugo, daluyan ng tubig ng tanim.
       Halimbawa: (1.) Ang ugat ng pagtatalo ay ang kalaguyo ng babae.
                           (2.) Maraming dugo ang nawala kasi natamaan ang kanyang malaking ugat.

Ugit (png.) - parti ng sasakyang pandagat, timon, giya. 
       Halimbawa: Hindi kompleto ang banka kung wala ang kanyang ugit.

Ugnay (png.) - koneksyon, relasyon, kasama.
       Halimbawa: Ang ugnayan ng magkaibigan ay parang magkapatid.

Ungas (png.) - stupido, ungas, mahina ang utak.
       Halimbawa: Ungas saan ka papunta?

Ugong (pu.) - ingay, tunog.
       Halimbawa: Umuugong ang hangin dala ng malakas na bagyo.

Ugoy (png.) - indayog.
     
Uha (png.) - iyak ng sanggol.

Uhay (png.) - puno ng halamang butil.
       Halimbawa: Ang mapakaganda ng uhay ng palay ngayong taon. 

Uhog (png.) - malapot na sipon.

Uka (png.) - hukay, krak.
       Halimbawa: Marami ng uka dahil matagal ng 'di naayos.

Ukab (png.) - malaking kagat.

Ukilkil (png.) - usisa, giit.
       Halimbawa: Marami ang nag-uukilkil sa bagong negosyo ng kaibigan ko.

Ukit (png.) - ukab, uka, kutab.
       Halimbawa: Ang naka-ukit ay pangalan ni Jane sa puno ng mangga.

Uklo (pu.) nakayuko, yukob. 
       Halimbawa: Napauklo ang ulo ng mga mang-aawit pagkatapos ng kanta nila.

Ukod (png.) - yuko, yukod.
       Halimbawa: Nakaukod lang ang magkasintahan dahil sa kanilang nagawang kahihiyan.

Ukol (png.) - dapat, marapat; tungkol.
       Halimbawa: Ukol sa mga taong walang hanapbuhay ang sinagawang pagtitipon.

Ukyabit (png.) - paglalambitin, pagkapit.

Ulalo (png.) - uod na mapanira.
       Halimbawa: Ulalo ang sumisira sa aming pananim na kamote.

Ulan (png.) - tubig mula sa langit.
       Halimbawa: Palaging umuulan sa mga buwan ng oktobre at nobyembre.

Ulang (png.) - Malaking hipon mula sa tubig tabang.
       Halimbawa: Masarap ang ulang paghinaluan ng maraming sahug.

Ulap (png.) - alapaap.
       Halimbawa: Ang daming makikitang magagandang hugis sa ulap.

Ulat (png.) - balita, pagtatalakay sa isang paksa.
       Halimbawa: Mas maliwanag ang ulat sa telebisyon kaysa sa radyo.

Ulayaw (png) - pagtatalik, ginawa ng lalake at babae sa kama.

Uli (pa.) - ulit, muli, minsan pa.
       Halimbawa: Kain tayo uli sa magandang restorant.

Ulianin (pu.) - balik isip bata, nagiging makakalimutin.
       Halimbawa: Ang lolo ay ulianin na.

Ulikba (png.) - maitim, negra.
       Halimbawa: Anak magiging ulikba kana sa kakabilad mo sa araw.

Ulik-ulik (png.) nagdadalawang-isip, urong-sulong, nag-aatubili.
       Halimbawa: Huwag kang ulik-ulik sa pagdedesisyon sa iyong planong pag-aasawa.

Ulila (png.) walang magulang, nag-iisa sa buhay.
       Halimbawa: Ulila na sa Perla ng magtrabaho sa Maynila.

Ulini (png.) - pagkarinig.

Uliran (png.) - halimbawa, modelo sa buhay, huwaran.
       Halimbawa: Isang ulirang ina si Marta.

Ulirat (png.) -kamalayan, isipan, malay.

Ulit (png.) - muling gagawin, uli.
        Halimbawa: Inulit nila ang pagsakay sa kabayo.

Uliran (png.) - halimbawa, modelo sa buhay, huwaran.
       Halimbawa: Isang ulirang ina si Marta.

Uliuli (png.) - buhawing nasa tubig.

Ulo (png.) - naglalaman ng utak, nasa unahan, pinuno. 
       Halimbawa: Ang pangulo ang ulo na nagpapatakbo ng mga sangay ng pamahalaan.
 
Ulok (png.) - hikayat, himok.
       Halimbawa: Ang nag-ulok sa mga nagwelga ay ang pang-aapi ng may-ari ng kompanya.

Ulol (png.) - sira ulo, hibang, baliw.
       Halimbawa: Marami ang nauulol dahil sa droga.

Ultimo (png.) - huli, katapusan, kahuli-hulihan.
       Halimbawa: Ultimo na sentimo ibibigay mo pa.

Ulupong (png.) - makamandag na ahas.
       Halimbawa: Nagkalat ang mga ulupong sa gubat.

Um (pl.) - unlapi o gitlapi sa pandiwa.
       Halimbawa: Umulan pala kagabi 'di ko alam dahil nakatulog ako ng maaga.

Umaga (png.) - bukangliwayway.
       Halimbawa: Magandang umaga sa lahat ng nakikinig.

Umang (png.) - patibong.
       Halimbawa: Si Mang Pedring gumagawa ng umang. 

Umangon (pd.) - Bantayan, Tutukan.

Umano (pd.) - ang sabi, wika ni.
       Halimbawa: Dito raw tayo dadaan umano.

Umbok (png.) - bukol, tambok.

Umid (pu.) - tahimik, walang imik.
       Halimbawa: Umid ang taong mapagmatyag ng mangyayari sa kanyang paligid.

Umildad (png.) kababaang loob, pagpapakumbaba.
       Halimbawa: Ang umildad ay nakakabawas ng problema sa hinaharap.

Umit (png.) - kupit, pagnakaw.
       Halimbawa: Ang pang-uumit ay masamang gawain na 'di dapat gayahin.

Umog (png.) - Dumog.

Umok (png.) - Uod sa bigas.
       Halimbawa: Tingnan mabuti ang bigas bago lutuin baka may umok.

Umpisa (png.) - simula.
       Halimbawa: Huwag umpisahan kung 'di kayang tapusin.

Umpog (png.) - pagkabangga ng ulo sa matigas.
       Halimbawa: Naumpog si Amy sa kahoy habang naglalaro.

Umpok (png.) - barkada, grupo, pangkat, lipon.
       Halimbawa: Nagumpok-umpok sila sa loob ng silid-aralan.

Una (pu.) - pinakamaaga, kabaligtaran ng pinakahuli.
       Halimbawa: Ang nauna ay mananalo ng malaking pabuya.

Unab (png.) - Paghuhugas sa bigas bago lutuin.
       Halimbawa: Ang masyadong pag-uunab sa bigas ay nakakabawas sa sustansya nito.

Unan (png.) - hinihigaan pagnatutulog, almuhadon, dantayan, abrasador.
       Halimbawa: Ang iyong unan ay malambot.

Unano (pu.) - Maliit na tao, pandak, munti, punggok.
       Halimbawa: Maliit man ang mga unano malaki naman ang kanilang puso.

Unat (pd.) - banat, tuwid.
       Halimbawa: Ang bata ay nag-unat unat muna bago umalis ng kama.

Unawa (png.) - batid, tanto, pagkaintindi, talos, hulo.
       Halimbawa: Ang leksyon ay mabilis n'yang naunawan.

Unawain (png.) - tantuin, intindihin, alamin.
       Halimbawa: Ang hirap unawain ng taong palaging tahimik.

Unay (png.) paghihinguto.

Undap (png.) - kisap, andap, kurap.

Unga (png.) - tunog ng baka, iyak ng baka.
      Halimbawa: Unga ng unga ang batang baka sa inang 'di makita.

Ungal (png.) - ngalngal, angal, iyak ng hayop.

Unggo (png.) - tsonngo, unggoy.
       Halimbawa: Ang unggo ay nakalambitin sa kahoy.

Ungkat (png.) - usisa, halukay.
      Halimbawa: Inungkat na naman ni Jenny ang kanilang nakaraan.

Ungol (png.) - ngalngal, angil.

Ungos (png.) - usli, higit, lambi.

Ungot (png.) - pabulong, bulong, anas.

Unibersidad (png.) - pamantasan, kolehiyo.
        Halimbawa: Ang Unibersidad ng Pilipinas ay may maraming matatalinong estudyante.

Uniberso (png.) - sandaigdigan, kalawakan, galaksiya, binubuo ng mga konstilasyon.

Unidad (png.) - pagkakasunduan, pagkakaisa, samahan.

Unika (pu.) - bukod-tangi, nag-iisa.
        Halimbawa: Si Lea ay unika iha sa pamilya.    

Unipikasyon (png.) - pagbubuklod, pag-iisa, pinagsama, ginawang isa.
        Halimbawa: Ang unipikasyon ng mga samahan ay natupad na rin.

Unipormado (png.) - magkakatulad, magkakaparehas, makapareho, walang pagkakaiba.
        Halimbawa: Unipormado silang magkaka-opisina.

Unlak (png.) - pagbibigay, pinagbiyan.
        Halimbawa: Pinaulakan ni Luningning ang imbitasyon sa kanya ng kaibigan.

Uno (png.) - isa, nauna, salitang espanyol na ibig sabihin ay isa.
       Halimbawa: Uno, dos, tres, simulan na ang paligsahan.         

Unos (png.) - masamang panahon, bagyo.
        Halimbawa: Mahanda tayo ng maaga malapit ng dumating ang malakas na unos.

Unsiyami (pu.) - hinto, sawi.
        Halimbawa: Naunsiyami na naman ang ginagawang kalsada patungong bayan. 

Untag (png) - ungkat, halungkat, paalala.
        Halimbawa: Inuntag mo na naman ang nakalipas.
   
Unti (pu.) - kaunti ang dami, katiting, kaliitan, munti, linggit.       
        Halimbawa: Kaunti na lang ang natitirang kagubatan sa Pilipinas. 

Untog (png.) - bunggo, untog, bangga,  bundol, umpog.
       Halimbawa: Ang bata ay nauntog sa pintuan kasi naglalakad ng nakapikit.

Untol (png.) - hinto, tigil, udlot.
       Halimbawa: Nakaka-untol sa mga proyekto ang ginagawa ni Joseph.

Unyon (png.)- samahan ng mga mangagawa, pederasyon, samahan, grupo.
       Halimbawa: Palaging na wewelga ang unyon dyan sa pagawaan ng sabon.

Uod (png.) - pesti sa pananim, larba ng paro-paro, higad.
       Halimbawa: Ang daming uod sa palayan siguradong maliit ang ani ngayung taon.

Uom (png.) - masamang panaginip.

Upa (png.) - bayad, alkila, renta.
       Halimbawa: Ang mahal ng upa sa apartment nila Melissa. 

Upakan (pd.) - suntukan, bugbugan, sapakan.
       Halimbawa: Nagkaupakan silang magkakabarkada. 

Upang (ptg.) - para, nang.

Upasala (png.) - Alipusta, insulto, pagmura.

Upat (png.) - udyok, panunulsol.

Upo (pd.) - paglikmo.
        Halimbawa: Umupo ka lang d'yan muna kukuha lang ako ng makakain. 

Upod (pd.) - gasgas, pudpod.
        Halimbawa: Upod na yan sa kakapunas mo.

Upos (png.) - tira ng sigarilyo.

Upuan (png.) - silya, likmuan.
       Halimbawa: Ang upuan na yan ay para kay Amy.

Urang (png.) - tulos, kahoy nakabaun sa lupa.

Urbanidad (png.) - tamang asal, mabuting asal.

Uri (png.) - katangian, klase.
       Halimbawa: Anung uri ng ahas meron tayu sa Luzon?

Uriles (png.) - Klase ng isda na matigas ang buntot.

Urirat (png.) - siyasat, imbestiga, usisa, siyasig.

Urit (pd.) - kulit, pabalik-balik, pauli-ulit.

Urna (png.) - Sisidlan ng botohan.

Urong (pd.) - atras, nahinto, udlot.
      Halimbawa: Umurong si Leo sa kasalan ng walang dahilan.  

Uroy (png.) - paglibak, pagkutya, panunuya.

Urya (png.) - gilid ng telang 'di maayos ang tahi.

Usa (png.) - hayop na sanga-sanga ang sungay.

Usad (png.) - mahinang pag-abanti, gapang, hilahod.

Usap (png.) - pulong, palitan ng kuro-kuro, salitaan.

Usapin (png.) - kaso, litigasyon.

Usbong (png.) - talbos, paglabas, sibol.

Usigin (png.) - Nademanda sa hukuman, isakdal, siayasatin.

Usisa  (png.) - urirat, imbestigahan, tanungin.

Usli (pu.) - lawit, ungos, umbok, tungki.

Uso (png.) - moda, estilo, kalakaran, palasak, napapanahon.

Usog (pd.) - tabi, pagbibigay espasyo.

Usok (png.) - aso, uri ng hangin mula sa apoy.

Utab (png.) - ukab, kgat.

Utak (png.) - talino, isip, sa loob ng bungo nagpatakbo sa katawan.

Utal (png.) - bulol, urong ang dila, humal, garil.

Utang (png.) - babayarin, hiniram.

Utas (png.) - wakasan, tapusn.

Uto (png.) - loko, kulan-kulang, mapaniwalain.

Utos (png.) - mando, patakaran, atas, batas, ordinansa, edikto.

Uwak (png.) - Klase ng kulang itim na ibon.

Uwang (png.) - malaking salagubang na may sungay.

Uwi (png.) - balik sa tinitirahan.

Uwido (png.) - likas na katalinuhan.

Uyad (png.) - kilos ng matandang babae, mabagal na kilos.

Uyam (png.) - kutya, paghamak, panunukso.

Uyayi (png.) - paraan ng pagpapatulog ng sanggol, paghele.

Uyot (png.) - nawalan ng panimbang, nalito.


Huling pinalitan o dinagdagan: Disyembre 10, 2019.


Comments

Popular posts from this blog

Yy - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Yy" o "Ya" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Ww - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Ww" o "Wa" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

180+ Na Pinaghalu-halong Mga Kasabihan, Salawikain o Proverb, Tulong Sa Pamumuhay.