Ww - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Ww" o "Wa" sa Alphabetong Filipino - Patok sa Bayan.

Diksunaryong Pilipino - Talaan ng mga salitang ng sisimula sa "Ww" o "Wa" sa alphabetong pilipino.


Ww- Titik sa Alpabetong Pilipino na ang pagbasa ay "Wa".

Waay (pa.) - wala, 'di pa.
       Halimbawa: Waay pa pala dito ang ikakasal.

Wagas (pu.) - tapat, puro, dalisay, dalisay.
       Halimbawa: Ang Pag-ibig n'ya ay wagas.

Wagi (pd.) - nagtagumpay, nanalo.
       Halimbawa: Wagi ang ating koponan sa nakalipas na Palarong Pambansa.

Wagwag (png.) - uri ng bigas.
       Halimbawa: Maganda din pala itong wagwag 'di masyadong matigas kung lumamig na.

Wakas (png.) - katapusan, dulo, inding.
       Halimbawa: Napaganda ng wakas ng napanood kong pelikula kahapon.

Wakasan (pd.) - tapusin, tigilan.
      Halimbawa: Wakasan mo na ang iyong pakiki-pagrelasyon habang maaga pa.

Waksi (pd.) - takwil, tapon, layuan, iwalay, itanggi.
      Halimbawa: Ating iwaksi ang masasama at ipunin ang tama.

Wakwak (pu.) - gahak, laslas, bakbak, tastas.
      Halimbawa: Ang laki ng wakwak sa kamay ng bata ng hinawakan n'ya ang kutsilyo.

Wakwak (png.) - Aswang, limilipad na nilalang na pumapatay.
      Halimbawa: Nakakatakot ang wakwak na gumala kung gabi.

Wala (pu.) - kabaligtaran ng meron, 'di dumating,
      Halimbawa: Wala pala tayong sweldo ngayong linggo.

Walay (png.) - hiwalay, bukod, napalayo.
      Halimbawa: Matagal na walay ang bata ng umalis ang kanyang ina patungo sa ibang bansa.

Walingwaling (png.) - klase ng bulaklak na orkids.
       Halimbawa: Ang ganda ng bulaklak ng walingwaling.

Walis (png.) - Panglinis o pangtagal ng alikabok o dahon.
       Halimbawa: Ang walis ay madaling panlinis ng bahay.

Walo (pu.) - kasunod ng pito.
       Halimbawa: Walo silang magkakapatid na lalake.

Wangis (pu.) - Imahe, katulad, kahawig, kapareha.
       Halimbawa: Kawangis nya ang isang artista sa pelikula.

Wangki (pu.) - tulad, pareho.
       Halimbawa: Magkawangi itong mga bulaklak.

Wari (pa.) - mandin, animo, parang, akala.
       Halimbawa: Wari ko'y makatulad kayong makakapatid ng kabuhayan.

Wariin (pd.) - nilayain, isipin, bulayin.
       Halimbawa: Wariin natin ang natutuhan na magagandang asal para sa ikabubuti ng lahat.

Wasak (png.) - sira, giba.
       Halimbawa: Nawasak ang bagong tayo na bahay ng kapitbahay.

Wasiwas (pd.) - wagayway, pagaspas.
       Halimbawa: Ang bandila ay kanyang winasiwas sa ikalawang palapag ng paaralan.

Wasto (pu.) - tama, hindi mali, tumpak, nasaayos.
       Halimbawa: Magaling, wasto lahat ang naisagot mo sa mga katanungan.

Watas (png.) - intindi, unawa.
       Halimbawa: May mga pawatas ang librong ito.

Watawat (png.) - bandila, bandera, simbolo ng isang bansa.
       Halimbawa: Ang watawat ay dapat ginagalang at binigyang halaga.

Wating (png.) - labo, lamlam, 'di klaro.
       Halimbawa: Laging wating ang kopya nitong piniratang pelikula.

Wawa (png.) - direksyon, bunganga ng ilog.
       Halimbawa: Pumunta ka sa wawa ng ilog.

Welga (png.) - aklas, 'di pagsang-ayon sa patakaran, kilos protesta.
       Halimbawa: Nagwelga ang mga manggagawa dahil sa mababang pasahod.

Welgista (png.) - ang nag-aaklas, nag pro-protesta.
       Halimbawa: Ang mga welgista ay nananghalian muna bago nagdialogo sa may-ari ng kompanya.

Wig (png.) - buhok na artipisyal.
       Halimbawa: Ang lalake ay ngsuot muna ng wig bago pumasok sa mall.

Wigwig (png.)- Pagdidilig.
       Halimbawa: Ang wigwig ay nakakatulog sa halaman para lumago.

Wika (png.) - linguahe, pananalita, badya, diyaleko.
       Halimbawa: Ang Tagalog ang wika sa Pilipinas.

Wikain (png.) - sabihin, bigkasin.
       Halimbawa: Wakain natin ang wikang Pilipino.

Wili (png.) - nalilibang, pagkagusto sa mabuting karanasan.
       Halimbawa: Ang batang ito ay nawiwili na sa paglalaro ng compyuter.

Wilig (png.) - dilig, pagbasa, pagwisik ng tubig.
       Halimbawa: Wilig lng ang kanyang ginawa sa halaman.

Windang (pu.) - luray, wasak.
       Halimbawa: Nawindang ang pintuan ng sipain ng lasing na kapitbahay.

Wisik (png.) - kunting tubig, dilig, wilig.
       Halimbawa: Wisikan mo ang maliliit na bagong tubo na petsay.


Huling pinalitan o dinagdagan: Disyembre 10, 2019.

Comments

Popular posts from this blog

180+ Na Pinaghalu-halong Mga Kasabihan, Salawikain o Proverb, Tulong Sa Pamumuhay.

Uu - Talaan Ng Mga Salitang Nagsisimula sa "Uu" o "u" sa Alphabetong Filipino - Patok Sa Bayan